Inaanak tinaga ni ninong

CAMARINES NORTE, Philippines — Ospital ang binagsakan ng isang 35-anyos na lalaki makaraang tagain sa mukha ng kanyang ninong sa Purok 3, Brgy Borabod sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa halip na regalo ay itak ang natanggap ni Rommel Gadil habang nasakote naman ang suspek na si Epronium Molina, 58. Nabatid na bago naganap ang pananaga, mag­kasama pa ang dalawa sa inuman na birthday ng kumpare ng biktima. Nang malango ay agad na nag­yaya ang biktima na umuwi subalit minasama ng suspek na nagwala at tinaga sa kanang mukha ang kanyang inaanak. Nagawang makahingi ng saklolo sa mga kapitbahay at agad na nasakote ang nagwawalang suspek.

Show comments