^

Probinsiya

100-katao dinakma sa pagyoyosi

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot na sa100-katao ang ina­resto ng mga awtoridad matapos ipatupad ang pagbabawal na paninigarilyo sa anumang pampublikong lugar sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, kara­mihan sa mga nadakip laban sa ipinasang anti-smoking ordinance ng provincial government ay mula sa mga bayan ng Solano, Bayombong at Bambang.

Ipinatupad ang “Smoke-Free Ordinance ng Nueva Vizcaya,” noong Martes (Nob. 23) sa pangu­nguna ng provincial government, PNP, Department of Health, iba’t ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan at pribadong sector.

 “There’s no one exempted here. We are serious in our campaign against smoking in public. Even I myself and the vice governor, we are not exempted from the ban,” pahayag ni Gov. Luisa Lloren Cuaresma.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na bawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar mali­ban lamang sa mga ilang smoking areas kung saan ang sinuman na ma­huhuli ay magbabayad ng P1,500 (1st offense), P2,500 (2nd offense) at P5,000 para naman sa 3rd offense.

 “Perhaps, we are the only government unit in the country which is serious in implementing a ban on smoking in public places, which already a national law for years,” pahayag naman ni Vice Gov. Jose Gambito.

Ayon sa ilang kawani ng Nueva Vizcaya, mala­king tulong ang ordinansa matapos mapansin na ilan sa kanila ay nakakaiwas ng paninigarilyo lalo na sa oras ng trabaho.

AYON

BAMBANG

BAYOMBONG

DEPARTMENT OF HEALTH

EVEN I

JOSE GAMBITO

LUISA LLOREN CUARESMA

NUEVA VIZCAYA

SMOKE-FREE ORDINANCE

VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with