Oil spill kumakalat mula sa lumubog na barko
MANILA, Philippines - May namataang oil spill ang Philippine Coast Guard sa karagatang malapit sa Itbayat Batanes, na nagmula sa tumagas na langis sa Panamanian cargo vessel na M/V Hong Wei na lumubog noong Biyernes. Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, ang nakitang oil spill ay nasa 120 nautical miles ng Itbayat, Batanes at 100 nautical miles naman mula sa teritoryo ng Taiwan.
Hindi naman maapektuhan ng oil spill ang bahagi ng kalupaan ng Batanes dahil sa mga dambuhalang alon sa karagatan dala ng North East monsoon.
Ipinadala na rin sa lugar ang Islander plane ng PCG para imonitor ang sitwasyon ng nasabing oil spill.
Gayon pa man, naisalba naman ang 14 sa 24 tripulante ng M/V Hong Wei habang patuloy ang search and rescue team.
- Latest
- Trending