MANILA, Philippines – Gumuho ang pangarap ng isang 16-anyos na estudyanteng Australian national makaraan itong halayin nang makitulog sa bahay ng isa nitong kaibigan sa bayan ng Barili, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang si “Michelle”, 3rd year high school habang arestado naman sa follow-up operation ang suspek na kinilalang si Renan Fajardo. Batay sa salaysay ng biktima naganap ang panghahalay sa Bgy. Patupat, Barili, Cebu bandang alas-8 ng gabi noong Nobyembre 30. Sinabi ng biktima na hindi kaagad siya nakapagsumbong sa mga awtoridad dahil gulung-gulo pa ang isip ng dalagita. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakitulog ang biktima sa kaibigan nito kung saan nagising ito ng maramdamang may humihimas sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
Walang nagawa ang biktima matapos tutukan ng patalim ng suspek at saka halayin. Sinampahan na ng kasong kriminal ang suspek sa himpilan ng Barili Police.