Drayber dedo sa viagra

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang drayber makaraang atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo sa loob ng motel sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa. Ayon sa police report, nag-check-in ang drayber na si Miho Fernandez at ang kanyang kalaguyo sa 8th Avenue Inn bandang alas-8 ng umaga. Nabatid na lumaklak muna ng Viagra si Fernandez bago makipagtalik subalit nang nasa kalagitnaan na ng pakikipag-sex ay hindi nakaya­nan ang epekto ng gamot kaya inatake sa puso. Naisugod pa sa Kabacan Medical Specialist Center ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments