MANILA, Philippines - Patay na ng abutan ng kanyang mga magulang ang isang 2 taong gulang na anak ng mga itong lalaki matapos na aksidenteng malunod sa isang drum na may lamang tubig sa Kidapawan City kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si Raymart Piala na naninigas na ang bangkay ng maiahon sa drum na pinagsasalukan nito ng tubig sa kanilang bahay. Sa ulat ng Central Mindanao Police, bandang alas-10 ng umaga ng maganap ang insidente habang mag-isang naliligo ang bata sa kanilang batalan sa naturang lungsod.
Ang biktima ay narekober ang bangkay na nakasubsob pa ang ulo sa drum kung saan hinihinalang nadulas ito.