^

Probinsiya

PNP sa 2 bayan ng Cagayan, sibak

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Sinibak na ang bu­ong pwersa ng kapulisan sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng kabiguang mapigilan ang serye ng karahasan umpisa pa noong nakalipas na halalan.

Ito ay kasunod ng ipi­nalabas na ng Police Re­gional Office (PRO) 2 kautusan sa mga elemento ng Regional Mobile Group (RMG) na siya ng manga­ngasiwa sa kaayusan at katahimikan ng mga bayan sa Solana at Tuao, Cagayan matapos sibakin ang dating mga kagawad ng PNP na nakatalaga sa dalawang bayan.

“The relieved per­sonnel will undergo refresher training to ensure that they continue to deliver qua­lity police service wherever they are assigned. There is no politics involved here, with only the improvement of the service in mind and with the blessings of higher headquarters,” paha­yag ni Chief Supt. Francisco Villaroman, Caga­yan Valley Police Regional Director.

Ang mga bayan ng Tuao at Solana na nasa ikatlong distrito ng Cagayan ang sinasabing naging magulo noong nakalipas na 2010 elections matapos maitala ang ilang karahasan na kinabibilangan ng tangkang assassination sa buhay ng isang kamag-anak ni Vice Gov. Leonides Fausto.

CHIEF SUPT

FRANCISCO VILLAROMAN

LEONIDES FAUSTO

NUEVA VIZCAYA

POLICE RE

REGIONAL MOBILE GROUP

SHY

SOLANA

TUAO

VALLEY POLICE REGIONAL DIRECTOR

VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with