Fil-Chinese trader kinidnap

MANILA, Philippines – Isang Filipino-Chinese trader ang dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Margarita Libertad, Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng umaga. Sa ulat ng Bacolod City Police, kinilala ang biktima sa palayaw lamang nitong si Bobo Kho, isang prominenteng negosyante sa lungsod. Base sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot sa biktima sa nasabing lugar dakong alas-9 ng umaga. Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong kidnappers na lulan ng kulay cream na Sport Everest (PFG 855 ) saka tinutukan ng baril ang biktima at puwersahang kinaladkad ito. Ang mga kidnapers ay mabilis na nagsitakas tangay ang biktima patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments