Big-time pusher huli

MANILA, Philippines - Isang big-time drug dealer ang naaresto at nakumpiskahan ng apat na sako ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng mahigit sa P4.9-M sa isinagawang buy-bust operations sa Brgy. Poblacion, Kibungan, Benguet nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si John Pawas, 46-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, sinalakay ng mga elemento ng Regional Anti-Illegal Drug Spe­cial Operation Task Group (RAIDSOTG) ang bahay ng suspek dakong alas-2:05 ng madaling-araw kung saan nahuli ang nasabing mga mari­juana.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos makum­piskahan ng apat na sako ng marijuana na tumitimbang ng 90 kilo na nagka­kahalaga ng P4.9-M.

Show comments