2 kawatan ng motorbike tiklo

BULACAN, Phpilippines  – Kalaboso ang binagsakan ng mag-among lalaki na sinasabing notoryus na kawatan ng motorbike makaraang maaresto ng pulisya sa aktong kinakatay ang ninakaw na motorsiklo sa bahagi ng Barangay Tabang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Anacleto Frann Indino lll, 25, negosyante, ng Barangay Bunsuran 2nd, sa bayan ng Pandi, Bulacan at Frederick Lopez, 31, ng Barangay Caingin, Malolos City, Bulacan. Base sa police report, tinangay ng mga suspek ang motorsiklong pag-aari ni Benjie Hilario na nakaparada sa tagiliran ng CDS Machine shop sa Barangay Tabe. Kaagad naman ipinaalam ni Hilario sa pulisya ang insidente. Sa follow-up operation, namataan ng pangkat ni PO1 Carlo Rey Reyes ang motorsiklo ni Hlario na kinakatay ni Lopez sa harapan ng Bike Motor Shop na pag-aari ng suspek na si Indino.

Show comments