2 SK official patay sa banggaan

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang opis­yal ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos na aksidenteng bumangga sa truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa West District, Sorsogon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga ito na sina Ryan Macaller, S.K. Chair­man ng Barangay Poctol sa West District at ang kanyang treasurer na si Romeo Balaoro.

Ayon kay Sorsogon Police Director, Senior Supt. Bert Olitoquit, naganap ang aksidente sa Barangay Piot sa West District ng naturang lungsod dakong alas-5 ng umaga.

Kasalukuyang tumatahak ang dalawa lulan ng motorsiklo sa lugar nang sumalpok sa kasalubong na truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, basag ang bungo ng mga ito habang patuloy na iniimbestigahan ang aksidente.

Show comments