Wanted utas sa shootout

QUEZO, Philippines   — Napaslang ang isang 44-anyos na magsasaka na may nakabinbing kasong kriminal makaraang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa ng gabi sa Purok Ilaya, Barangay Tagbakin ng bayan ng Atimonan, Quezon. Kinilala ng pulisya ang napatay na wanted na si Larry Pantua na may kasong frustrated murder. Lumilitaw na isisilbi sana ng grupo ni PO3 Diosdado Corilla ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Hector Almeyda kay Pantua sa kanyang tahanan nang maunang magpaputok ng shotgun. Dito na gumanti ng putok ang ilang pulis at duguang bumulagta si Pantua.

Show comments