Fetus itinapon sa minahan

BENGUET, Philippines

 – Isang babaeng fetus ang natagpuan sa garbage depository area sa gilid ng entrance ng APP Complex at Philex Mines sa bayan ng Tuba, Benguet noong Biyernes. Ipinaabot nina Elena Fangi at Lourdes Binalay sa pulisya ang patay na fetus na kanilang natagpuan habang naghahanap ng mga recyclable material. Nabatid na ang fetus ay ibinalot sa puting damit at inilagay sa cellophane. Sa pagsusuri ni Dr. Karen Rimando, ang fetus 7 hanggang walong buwan gulang at tumitimbang na 1.3 kilo. Dinala ang fetus sa Sto Niño Hospital sa mine site kung saan inilibing sa Kiangan Village sa Philex Mines kung saan sinaksihan ng mga opisyal ng barangay.

Show comments