4 karnaper arestado
SAN ANTONIO, Zambales, Philippines — Apat na kalalakihan na sinasabing kilabot na magnanakaw ng traysikel at motorsiklo ang naaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa mga bayan ng Iba at San Antonio, Zambales, kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Inspector Apolinario Mendoza ang mga suspek na sina Marlon De Vera, 27, lider ng grupo, ng Baquilan-Itanglew, Botolan; Marvin Dela Cruz, 19; Jonathan Torillo, at si Jonel Sahagun na pawang nakatira sa San Nicolas, San Antonio, sa lalawigan ng Zambales. Narekober sa pinagkukutaan ng mga suspek ang tatlong traysikel, motorsiklo, at mga piyesa ng motorsiklo, traysikel, na ipinagbibili sa ilang tindahan sa Olongapo City at Bataan.
- Latest
- Trending

















