16 dakma sa illegal fishing

QUEZON, Philippines – Arestado ang labing-anim na mangingisda makaraang maaktuhang gumagamit ng iligal na pamamaraan sa kanilang pangi­ngisda sa karagatang sakop ng bayan ng Polilio, Quezon, kamakalawa ng hapon. Pormal naman kinasuhan ang mga suspek na sina  Dante Almonte, Julie Paular, Mark Guan, Adelardo Areno, Arvin Condes, Romy Cruz, Alondio Macasinag, Jimmy Hermocilla, Romel Sanico, Norman Dudas, Marvin Tetativa, Rodel de la Cruz, Reden Forneste, Royet Bacle, Edelito Linao, at si Edgar Bulagui na pawang nakatira sa Barangay Caridad Ibaba sa bayan ng Atimonan, Quezon. Ayon kay PO2 Arnold Ardon, nagsasagawa ng seaborne patrol ang pangkat ni P/Insp. Rodelio Calawit at ilang miyembro ng Bantay nang maispatan ang mga suspek lulan ng F/B Ron Ruel. Narekober sa nasabing bangka ang ilang kilo ng isda na ginamitan ng buli-buli na pinaniniwalaang ipinagba­bawal.

Show comments