Konsehal patay sa kainuman

BATANGAS, Philippines  — Patay ang bagong halal na konsehal ng barangay matapos pagsasaksakin ng kanyang nakainuman sa bayan ng Ibaan, Batangas kamakalawa ng uma­ga. Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director ang napatay na si Gerry Guerra, 37, ng Barangay Malainin. Ayon sa report, huling namataang nakikipag-inuman si Guerra kina Policarpio Rellana at sa kinse-anyos na binatang kinilala lang na Boy sa may ilalim ng punong mangga sa Barangay Salaban. Natagpuan ang bangkay ni Guerra na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kung saan naaresto naman sina Rellana at alias Boy at narekober ang duguang patalim na ginamit sa krimen. Pormal naman kinasuhan ang dalawa habang nakakulong.

 

Show comments