Magsasaka kinatay ng mag-ama

MANILA, Philippines - Pinagtulungang patayin ng mag-ama ang kainuman nilang kapwa magsasa­ka matapos magkapikunan ha­bang nag-iinuman kamaka­lawa sa Narciso, Quezon. Dead-on-the-spot ang biktimang si Rany Cecelia, 40, mag­sasaka, residente ng Brgy. Pagdadamayan, San Nar­ciso, Quezon matapos mag­tamo ng mga saksak at taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman nga­­yon ang mga suspek na sina Bayani Mendeja at anak na si Lobel, at nakatira sa Brgy. Punta, San Narciso, Quezon. Nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon, nag-iinuman umano ang mga suspek at biktima sa bahay ng isang Wilfredo Menchero nang bigla na lang magkapikunan dahilan upang bigla na lang undayan ng saksak ang biktima ng sus­pek na si Bayani habang tinulungan na rin ni Lobel ang kaniyang ama na tinaga naman ang biktima. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Show comments