Magsasaka kinatay ng mag-ama
MANILA, Philippines - Pinagtulungang patayin ng mag-ama ang kainuman nilang kapwa magsasaka matapos magkapikunan habang nag-iinuman kamakalawa sa Narciso, Quezon. Dead-on-the-spot ang biktimang si Rany Cecelia, 40, magsasaka, residente ng Brgy. Pagdadamayan, San Narciso, Quezon matapos magtamo ng mga saksak at taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman ngayon ang mga suspek na sina Bayani Mendeja at anak na si Lobel, at nakatira sa Brgy. Punta, San Narciso, Quezon. Nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon, nag-iinuman umano ang mga suspek at biktima sa bahay ng isang Wilfredo Menchero nang bigla na lang magkapikunan dahilan upang bigla na lang undayan ng saksak ang biktima ng suspek na si Bayani habang tinulungan na rin ni Lobel ang kaniyang ama na tinaga naman ang biktima. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
- Latest
- Trending