Nanita sa inuman, kinatay
QUEZON, Philippines — Kamatayan ang sumalubong ng isang 40-anyos na magsasaka na dumayo lamang para makipag-inuman ng alak matapos na pagtatagain ng mag-ama sa Barangay Punta sa bayan ng San Narciso, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagmistulang karne ang katawan ni Rany Cecelia ng Barangay Pagdadamayan, habang tugis naman ng pulisya ang mag-amang suspek na sina Bayani at Lobel Mendeja. Ayon kay PO3 Rexie Callejo, nagtungo sa bahay ni Wilfredo Menchero ang biktima para makipag-inuman at nang malasing ay sinita nito si Bayani dahil malakas uminom ng alak. Dito na nagalit ang suspek na si Bayani kaya tinaga nito ang biktima kung saan tumulong naman ang anak na si Lobel.
- Latest
- Trending