^

Probinsiya

20 bayan lumubog sa baha

-

NUEVA VIZCAYA, Philippines — Umaabot sa 117 pamilya (548-katao) ang inilikas matapos lumubog sa tubig-baha ang 20 bayan sa lalawigan ng Isabela at Cagayan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.

Ayon kay NDRRMC Exe­cutive Director Benito Ramos, ang pagbaha ay bunsod ng patuloy na pag-ulan kaya umapaw ang labing-isang ilog na kinabibilangan ng Abu­­sag, Itawes, Cabasan, Bagunot, Maguiling, Mauanaan, Pinacunauan, Tawi at Baybayog na pawang nasa Cagayan habang sa Sta. Maria at Alicao naman sa Cauayan City at Cabagan sa Isabela.

Sa Isabela, kabilang sa mga bayang lumubog ay ang San Pablo, Reina Mercedes, Cabagan, Santa Ma­ria, Naguilian, Gamu, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas at Ilagan.

Kabilang sa mga lumubog ay ang mga bayan ng Baggao, Lasam, Penablanca, Ca­malaniugan, Tuguegarao City sa Cagayan.

Apektado rin ang bayan ng Ilagan kung saan lumubog ang mga Barangay Cabiseria 4, Aggasian, Fugu, Bagumbayan, Sta. Barbara, Camunatan, Guinatan at Barangay Calamagui 2nd.

Sa pinakahuling ulat, uma­abot na sa 20 bayan ang tuluyang lumubog sa tubig-baha.Victor Martin at Joy Canto

BARANGAY CABISERIA

BARANGAY CALAMAGUI

CABAGAN

CAUAYAN CITY

DELFIN ALBANO

DIRECTOR BENITO RAMOS

ILAGAN

ISABELA

JOY CANTO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with