^

Probinsiya

Killer truck: 1 dedo, 7 sugatan

-

OLONGAPO CITY, Philippines – Isa ang patay habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang araruhin ng dump truck na sinasabing nawalan ng preno ang limang sasakyan kahapon sa kahabaan ng highway ng Barangay Kalak­han, Olongapo City.

Sa ulat ni PO3 Rene Pundavela ng Traffic Enforcement and Patrol Unit, si Jay-Ar Luciano ng Old Cabalan ay nasawi matapos na masalpok ang sinasak­yang traysikel na kabilang sa limang sasakyan.

Naisugod naman sa James Gordon Hospital sina Richard Bris, 23; Jovelyn Japona, 16, ng N. Cabalan; Mart Alba, 36, ng Bagong Barrio, Caloocan City; Gilson Asencio, 25, ng Talisay St., G. Heights; Joel Paule Pineda, 36, Coral St., G. Heights; Ruel Lubang, 44, Upper Kalaklan; at si Edwin Ebrole, 45, Upper G. Heights, Olongapo City.

Lumilitaw na patungong city proper ang trak (XP929) ni Ricky Dacayo ng Brgy. San Ra­fael, San Marcelino nang mawalan ng preno kaya ina­raro ang limang sasakyan kabilang na ang traysikel na sinasakyan ni Luciano.

Pormal naman kakasuhan ang drayber na ngayon ay nakakulong. Alex Galang at Randy Datu

vuukle comment

ALEX GALANG

BAGONG BARRIO

BARANGAY KALAK

CALOOCAN CITY

CORAL ST.

EDWIN EBROLE

GILSON ASENCIO

JAMES GORDON HOSPITAL

JAY-AR LUCIANO

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with