80 kabahayan naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P2.8 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang may 80 bahay sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City noong Lunes ng gabi sa paggunita ng All Saints’ Day. Sumiklab ang sunog habang ang karamihan sa mga residente ay nasa sementeryo kung saan nagpulasan at humahangos na nagsiuwi ang mga naninirahan upang makapagsalba ng mga gamit. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang natumbang kandila na naiwan sa isa sa mga bahay ang sinasabing pinagmulan ng apoy.

Show comments