2 problemadong tinedyer nag-suicide

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang tin­ed­yer na sinasabing du­­­manas ng matinding problema sa buhay ang nagpasalubong kay kamatayan sa naganap na magkahiwalay na suicide habang ginugunita ang Undas sa lalawigan ng Isabela.

Si Maria Paula Tanga­ling, 15, ng Brgy. Batal, San­tiago City, ay nag-sui­cide matapos uminom ng silver nitrate.

Lumilitaw sa imbesti­gas­­­yon na si Tangaling ay na­­pagsabihan ng kanyang ina dahil sa mga text messages ng boyfriend at kabarkada na nabasa sa cell phone.

Naisugod pa sa Caga­yan Valley Adventist Hos­pital si Tangaling sub­a­lit namatay din habang gina­gamot.

Samantala, si Gladys Corsino, 17, ng Brgy. Bue­na­vista ay nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto matapos makatanggap ng abiso mula sa kanyang amo na nag­sasabing hin­di na ito ma­kakabalik sa trabaho bilang working student.

Dahil sa pangambang hindi na maipagpatuloy ang kursong Hotel and Restaurant Management at ang pangarap na maka­tulong sa pamilya ay hindi na nakayanan ng bik­tima ang problema kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan.

Show comments