^

Probinsiya

Maglola kinidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inilatag ng pulisya ang ma­lawakang dragnet operation laban sa mga kidnaper ng mag-lola na dinukot sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mag-lola na sina Babeth Gomonit, 55; at apo nitong si Ceeckiam Gomonit.

Nabatid na may construction business ang pamilya Go­monit sa Pagadian City na pina­ngangasiwaan ni Engr. Dannel Gomonit, mister ni Babeth.

Base sa police report, bandang alas-10:45 ng gabi nang pa­sukin ng mga armadong kid­naper ang tahanan ng mga biktima kung saan iginapos ang mga  kasambahay at iba pang miyembro ng pamilya Gomonit bago binusalan ang mga bibig.

Isinakay sa Isuzu Trooper (KBG711) na pag-aari ng pa­milya Gomonit ang mga biktima na namataang tumahak sa direksyon ng Labangan, Zamboanga del Sur.

Narekober naman ang sa­sakyan na inabandona sa ba­hagi ng Brgy. Tukuran kung saan sa pinakahuling im­pormasyon kahapon ay namataan ang grupo na kumidnap sa mag-lola sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

vuukle comment

BABETH GOMONIT

BRGY

CEECKIAM GOMONIT

DANNEL GOMONIT

GOMONIT

ISUZU TROOPER

PAGADIAN CITY

SAN JOSE

SHY

SULTAN NAGA DIMAPORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with