Killer truck: 1 patay, 4 grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa tindera ng kandila habang apat iba pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng truck na umiwas sa prosesyon sa labas ng Sto. Niño Memorial Park sa Barangay Balatas, Naga City, Camarines Sur. Nakilala ang namatay na si Isabel Renta habang ginagamot naman sa Mother Seton Hospital ay sina Elmer Pajoyon, Felix Capistrano, Jocelyn Raymundo at ang drayber ng truck na si Gilbert Casili, 30, ng Barangay Triangulo. Lumilitaw sa pagsisiyasat na iniwasan ng truck (SGS 723) ang mga taong nakikipaglibing papasok ng memorial park at inararo ang mga nagtitinda ng kandila sa gilid ng kalsada kung saan sumalpok naman ang sasakyan sa punungkahoy.

Show comments