Embalsamador naging abogado
BAYOMBONG, Nueva Vizcay, Philippines – Salamat sa mga patay… Ito ang naging pahayag ng isang dating embalsamador na ngayon ay kilalang-kilala sa buong lalawigan matapos siyang maging ganap na abogado sa tulong ng mga namayapa sa buhay.
Ayon kay Atty. Jose Gambito, ang pag-eembalsamo sa mga patay ang kanyang kauna-unahang naging trabaho habang ito ay nag-aaral noong dekada 70.
Sinabi ni Gambito na hindi pangkaraniwan ang kanyang hanapbuhay na maging embalsamador kung saan nakasalalay ang kanyang pag-aaral kung saan labis naman niya itong ipinagmamalaki.
“Noong una talagang hindi ko alam kung paano mag-umpisa at kung ano ang gagawin sa mga bangkay, subalit nang magtagal, napag-aralan ko rin kung paano linisin, ayusin at kung anong magandang serbisyo na dapat gawin sa kanila,” pahayag ni Gambito
“Dahil sa trabaho ko ay nakapag-ipon ako habang nag-aaral ng abogasya sa University of the East kung saan pumasok din ako bilang working student,”. dagdag pa ni Gambito.
Si Gambito na nagsilbing abogado ng mga mahihirap noong dekada ‘80 at nanungkulan din bilang Sanguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ng siyam na taon bago ito naging bise gobernador hanggang sa kasalukuyan.
Maliban sa pagiging abogado at bise gobernador ay pinangangasiwaan din ng kanyang pamilya ang Gambito Funeral parlor bilang pagtanaw nito sa mga yumao.
- Latest
- Trending