Bus vs Jeepney: 3 dedo, 2 grabe
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlo-katao ang humabol sa All Saint’s Day habang dalawang iba pa ang grabeng nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at jeepney sa highway ng bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Sa ulat ni P/Senior Inspector Samuel Alforte, isa sa mga namatay ay ang drayber ng jeepney na si Vicente Eva at dalawang pasahero nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang patuloy naman ginagamot sa Maria Eleazar Hospital sa bayan ng Tagkawayan si Aries Nieva at isang tinukoy sa pangalang Marilou.
Base sa imbestigasyon, nagbanggaan ang Amihan Transit Bus (DVJ 576) at pampasaherong jeepney (DSK 177) sa Andaya Highway sa Barangay Godofredo Reyes Sr.
Nabatid na ang bus na patungong Maynila ay galing sa Naga City habang ang jeepney ay galing naman sa Calauag, Quezon na patungong lungsod ng Naga sa Bicol Region.
Hindi nagawang kontrolin ng driver ng bus na patungong Maynila mula sa Naga City kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney na patungo naman sa Naga mula sa bayan ng Calauag, Quezon.
- Latest
- Trending