^

Probinsiya

Foul play sinisilip sa suicide ng UPLB coed

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang posibleng anggulo ng foul play hinggil sa pagkamatay ng isang graduating student ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), sa lalawigan ng Laguna na natagpuang bangkay sa kaniyang apartment noong Huwebes ng hapon. Ang  hakbang ay bunga na rin ng pagdududa ng pamilya ng biktimang  kinilalang  si Regina Marikit de Vera, 21-anyos, senior student ng College of Forestry sa nasabing unibersidad na nagpakamatay ito.

Base sa imbestigasyon ng Laguna Police, dakong alas-11:30 ng tanghali ng madiskubre ang bangkay ni de Vera sa loob ng kaniyang inuupahang apartment sa Umali Subdivision, Brgy. Batong Malake sa bayan ng Los Baños.

Ang biktima ay nadiskubreng nakatali ng sinturon sa bakal na hanger na nakatali sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

Sa kabila nito ay may mga ulat rin na may aralin umano ang biktima na ibinagsak nito kaya posibleng maantala ang pagtatapos nito na isa rin sa mga anggulong iniimbestigahan.

Sa pahayag naman ng mga kaibigan ng biktima,  wala silang alam na problemang dinadala ng dalaga para humantong ito sa pagpapatiwakal.

BATONG MALAKE

BRGY

COLLEGE OF FORESTRY

HUWEBES

ISINASAILALIM

LAGUNA POLICE

LOS BA

REGINA MARIKIT

UMALI SUBDIVISION

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with