^

Probinsiya

4 drug user tiklo

- Ni Randy Datu -

IBA, Zambales, Philippines  — Apat katao ang inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya matapos na maaktuhang nagsasa­ga­wa ng ‘pot session' ng mga adik sa ipinagbabawal na ­droga na  naganap sa bayang ito kahapon ng tanghali.

Batay sa report ni Sr. Insp. Gilbert C. Diaz, hepe ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Ricardo Novelas alyas “Boy Siakol”, 43 may-asawa; Ronnie Bautista,47 may-asawa; pawang nakatira sa Arellano St., Zone-5; Daisy Dela Torre, 28; ng Brgy. Lipay-Dingin ng bayang Iba at Jorland Tumacay, 34 may-asawa isang private nurse na nakatira sa Brgy Santiago, Botolan Zambales.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek sa nasabing lugar. Agad isinagawa ang raid na nagresulta sa pagka­ka­aresto sa mga suspek na naaktuhang humihitit ng droga.

Na­kumpiska sa mga ito ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu, mga drug paraphernalias at isang kulay pulang Mitsubishi van na may plakang CLI –789. 

vuukle comment

ARELLANO ST.

BOTOLAN ZAMBALES

BOY SIAKOL

BRGY SANTIAGO

DELA TORRE

GILBERT C

JORLAND TUMACAY

SHY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with