^

Probinsiya

Cybersex den raid: 4 menor-de-edad nasagip

- Ni Randy Datu -

OLONGAPO CITY, Philippines — Apat na menor de edad ang nailigtas ng mga awtoridad matapos salakayin ang isang cybersex den na minamantine ng isang talunang kandidato sa katatapos na Barangay/Sangguniang Kabataan (SK) elections sa isinagawang operasyon sa lungsod na ito kamakalawa. Sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Ramon D. Pamular ng RTC Branch 32 ng Guimba, Nueva Ecija, nahuli ang isang nagngangalang Monaliza Domalanta sa raid sa #66 Miranda Compound, Ramos St. Extension, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City. Nasakote din ang pito pang kababaihan, apat sa mga ito ay mga menor-de edad habang gumagamit ng internet at nakikipag-chat sa kani-kanilang mga kliyente.

Hindi naman naaresto si Flory Miranda may-ari ng naturang bahay at itinuturong operator ng cybersex den na tumakbo bilang barangay kagawad nitong nagdaang eleksyon ngunit natalo.

Na­samsam sa lugar ang mga laptop, desk top compu­ters, under garments, sex toys, lubricants, resibo na mula sa iba’t ibang mga bangko at money grams.

APAT

BARANGAY EAST BAJAC-BAJAC

EXECUTIVE JUDGE RAMON D

FLORY MIRANDA

GUIMBA

MIRANDA COMPOUND

MONALIZA DOMALANTA

NUEVA ECIJA

OLONGAPO CITY

RAMOS ST. EXTENSION

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with