2 karnaper arestado

BALIWAG, Bulacan, Philippines  — Dalawang lalaki na sina­sabing notoryus karnaper ang nasakote ng pulisya matapos makumpiskahan ng limang nakaw na mo­torsiklo at iba’t ibang piyasa ng sasakyan sa isinaga­wang operasyon sa Ba­ ran­gay Tambubong sa ba­yan ng San Rafael, Bula­can kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fer­nan­do Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina Carlo Albert Serrano, 24, meka­niko ng motorsiklo at Phil Arthur Mangulabnan ng Barangay Subic, Ba­liwag.

Nabatid na pinakahuling kinarnap ay ang motorsiklo ni Jeremy Castillo, 19, ng Brgy. Sto.Niño, Baliwag.

Sa tulong ni P/Insp. Gregorio Santos ay na­dis­kubre ang pinagku­ku­taan ng mga suspek kung saan narekober ang limang mo­torsiklo na may mga pla­kang AM-1691,OJ-5691, CN-7969,CT-6236, at RH-7190.

Nasamsam din ang iba’t ibang piyesa ng motorsiklo at sasakyan.

Show comments