2 akyat-bahay arestado

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dala­wang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos maaresto ng pulisya sa panloob sa bahay ng negosyante sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Baltazar Mamaril ang mga suspek na si Rjay Sabado, 18, ng Brgy. Lugam at Conrado Mana­han, 21, ng Brgy. Lagundi sa bayan ng Plaridel. Naaresto ang dalawa sa follow-up operation matapos magreklamo si Juanito Linoga, 40, ng Northfield Executive Village. Na­rekober sa mga suspek ang video at digital camera, DVD player, bisikleta, radyo cassette, telescope, car stereo, at mga alahas na umaabot sa halagang P75,000.

Show comments