NUEVA ECIJA, Philippines — Kalaboso ang limang lalaki na may nakabinbing kasong kriminal matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Frazierwin Viterbo, naaresto nina SP03 Ricardo Flores at P01 Marvin Verde ang mga suspek na sina Ronald Vicente, Frederick Vidal, Alexander Vicente, Armin Mambatawan, at si Jayson Vicente na pawang nakatira sa Barangay Pula, Talavera.