4 Gapos Gang nadakma

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga opera­tiba ng pulisya ang notoryus na Gapos Gang na respon­sable sa serye ng robbery/hold-up sa Laguna matapos masakote ang apat na miyem­bro ng grupo sa isinagawang operas­yon sa Brgy. Abo, Nag­carlan, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kabilang sa mga suspek na sumasailalim sa tactical in­terrogation ay sina Dave Ra­gas, 27; at Rommel Calma, 31, pedicab driver na kapwa re­si­dente ng Sta. Cruz, Laguna; Richard Pasamba, 28; at si Adan Ocampo, 29.

Positibo namang kinilala ni ex-Chairman Ricardo Ortega ng Brgy. Balimbing, Nag­carlan ang mga suspek na nanloob sa kanyang tahanan noong Oktubre 7, 2010.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, maging ang ta­ha­nan ng mag-asawang Ela­dio Doria, Librada at apat na anak ay nagawang looban ng mga suspek.

Nasamsam sa mga sus­pek ang apat na baril, granada pa­talim, mga bala, celpone, mga alahas, P1,670 cash at pu­lang motorsiklo.

Show comments