Bagsik ni Juan rumagasa
MANILA, Philippines - Rumagasa na ang super typhoon Juan (Megi) sa kabundukan ng Sierra Madre kung saan aabot sa 18 bayan sa lalawigan ng Isabela ang naapektuhan habang libu-libong pamilya naman ang nailikas na sa mas ligtas na lugar.
Bunsod nito, umaabot sa 36,850 ektaryang palayan sa Isabela na pinaniniwalaang aanihin ng mga magsasaka ang napinsala sa hagupit ng bagyong Juan habang 22 lalawigan din ang napinsala.
Samantala, unang iniulat na nasawi ang kandidatong konsehal na si Vicente Decena, 58, makaraang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa Cagayan River sa Brgy. Nammabbalan Norte sa Tuguegarao City.
Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Center Executive Director Benito Ramos, na narekober ang bangkay ni Decena sa Bunton Bridge bandang alas-4:30 ng hapon.
State of calamity
Kasunod nito, isinailalim sa state of calamity ang Isabela matapos ideklara ni Isabela Governor Faustino Dy.
“Isabela suffered power outrage as electrical posts toppled down, uprooted trees, roofs blown down, experiencing strong winds and heavy rains,” pahayag ni Ramos
Inaasahang susunod na ring magdedeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan.
Apat na landslide rin ang naitala kung saan hindi pa madaanan ang Benguet-Dalupirip Itogon at Nueva Vizcaya-Benguet Road, Claveria -Calanasan Road, Mabanong Section at Lenneng-Cabugao Road sa Apayao.
Libu-libo nagsilikas
Umabot naman sa 3,066 residente ang puwersahang lumikas sa Cagayan habang 3,785-katao naman sa Isabela.
Maging ang 2,786-katao sa Cagayan Valley kabilang ang 657 katao sa mga Barangay Minanga at Caruan sa bayan ng Gonzaga; 750-katao naman sa Barangay Abariongan, Ruar at Niug Norte sa Sto. Niño at 1,250 sa Barangay Gagabutan, Masi Bural sa Rizal; 53 naman sa Barangay Sta Clara, Kapaniktan at Marede, Sta Ana habang 76-katao sa Barangay Maura, Aparri.
Umaabot naman sa 3,687 residente ang inilikas sa Pangasinan, Benguet at Kalinga. Hindi na madadaanan ang Tawwi Bridge at Cabasan Bridge sa bayan ng Peñablanca, Cagayan habang tinataya naman sa P40-milyong ang inisyal na pinsala sa imprastraktura at ari-arian sa hagupit ni Juan
Stranded na mga pasahero
Stranded naman sa Aparri ang MV Eagle Ferry (23 pahero) at MB GMA (10 pasahero) habang nasa Sta. Ana Municipal Fishport ang MB Babylyn na may sakay na 18-pasahero.
Kinansela naman ang mga biyahe ng eroplano patungong Northern Luzon bunsod ng masamang panahon dulot ng bagyong Juan.
Juan pa- Baguio city
Matapos ang landfall ni Juan sa Isabela ay inaasahang raragasa ngayong umaga sa Baguio City bago tuluyang lumabas sa area or responsibility ng bansa.
Malaki ang naitulong ng ‘zero casualties’ ni PNoy sa pag-alerto sa mga mamamayan para maiwasang mabiktima ng delubyo ng bagyo.
- Latest
- Trending