6 kritikal sa pangangampanya

BULACAN, Philippines  — Malubhang nasugatan ang anim na kabataan na nangangampanya sa kandidatong barangay chairman makaraang masabugan ng kwitis habang lulan ng trak sa Barangay Mojon sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Kabilang sa mga biktimang nakilala na naisugod sa ospital ay sina Rhia Rose Santiago, 15; Jesselyn Meneses, 15; Rafael Garcia, 15; Ellen Genioso, 15; Jhon Boliar, 26. Sa inisyal na police report, lumilitaw na naka-convoy ang mga biktima sa sasakyan ng kandidato nang biglang sumabog ang mga paputok matapos madapuan ng ubos ng sigarilyo. Pansamantalang itinigil muna ang pangangampanya ng kandidato habang ginagamot ang mga biktima.

Show comments