Barangay chairman itinumba
MANILA, Philippines – Labing-isang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections, napaslang ang isa na namang barangay chairman makaraang ratratin sa Barangay Esperanza sa bayan ng Carmen, Surigao del Sur noong Biyernes ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, tinambangan ng mga armadong grupo si Chairman Eligorio Cuartero, 49, sa bisinidad ng Sua Cool Spring Resort sa nabanggit na barangay. Nabatid na palabas na sa resort ang biktima lulan ng Mazda pickup (TKC-325 ) nang pagbabarilin. Pinaniniwalaang may kinalaman sa Barangay at SK elections sa Oktubre 25 ang krimen.
- Latest
- Trending