2 holdaper tinodas sa gulpi

NUEVA VIZCAYA, Philippines — Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ng ilang kalalakihan ang da­lawang lalaki na sinasa­bing nangholdap sa mag-asawang negosyante sa bisinidad ng Barangay San Mateo, sa bayan ng Tu­mauini sa Isa­bela ka­ ma­kalawa.

Hindi na inabot ng pu­lisya ang dalawang ‘di-pa kilalang lalaki na sinasa­bing miyembro ng holdap gang.

Kinilala naman ng pu­lisya ang mag-asawa na sina Paulino Caranto, 39; at Maria Caranto, 36, ng Barangay Santa Catalina sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw na hinarang ng dalawa ang mag-asawa ba­go nagdeklara ng holdap.

Gayon pa man, naki­pag-agawan si Paulino sa holdaper na may hawak na baril kung saan pumutok at tumama sa binti ng isa sa suspek.

Akmang babarilin ng isa pang holdaper si Paulino subalit pinalo naman ng asawa ang kamay nito kaya nabitiwan ang baril.

Namataan naman ng ilang kalalakihan ang insi­dente kaya mabiis na su­maklolo at pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang dalawa.

Show comments