Mag-asawang matanda kinatay, sinunog

MANILA, Philippines - Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng mag-asa­wang matanda maka­raang pagtatagain ay sinu­nog pa ang mga bangkay nito sa loob ng ka­ nilang tahanan sa Barangay Aran­gay Lu­zong, sa bayan ng Siqui­jor, Siquijor kama­kalawa.

Halos hindi na makilala ang mag-asawang Simeon Alad-ad, 84; at Prima Alad-ad, 73, dahil sa grabeng pagkasunog ng katawan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang insidente ng isang kawani ng muni­sipyo na si Beato Ongue kaya naipagbigay-alam sa pu­lisya.

Nasusunog pa ang ta­ha­nan ng mag-asawa nang abutan ng pulisya pero halos nagmistulang uling na ang mga ito.

May palatandaang pi­nag­tataga muna ang mag-asawa bago sinilaban upang itago ang krimen.

Nadiskubre rin may 30-metro sa may hagdanan ng tahanan ng mag-asawa ang mga bakas ng dugo, disposable lighter at mga bakas ng paa ng dalawa hanggang tatlo-katao base sa iba’t ibang sukat ng mga yapak ng mga kri­minal.

Show comments