Ina, 4 anak nilamon ng putik

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang 37-anyos na ina na nagdiriwang ng kanyang kaarawan at apat nitong anak makaraang matabu­nan ng putik mula sa gumu­hong lupa sa kabundukan sa Barangay Luplangan, Sumilao, Bukidnon kama­kalawa.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga nasawi ang inang si Pilar Lindongan, 37; mga anak na Floriano, 11; Aileen, 7; Balado, 4; at si Jema, 2.

Bandang alas-4 ng ha­pon nang humupa ang malakas na ulan at kasu­nod nito ay ang pagguho ng lupa na tumabon sa ba­hay ng mga biktima na nasa paanan ng Mt. Ki­tanlad.

Nabigo namang saklo­lo­han ang mag-iina ng ka­nilang mga kapitbahay.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng mga lokal na opisyal ang mga resi­denteng naninirahan sa paanan ng nabanggit na kabundukan upang maiwa­san ang kapahamakan.

Show comments