KIDAPAWAN CITY, Philippines – Ginilitan at namatay ang isang 26-anyos na lalaki na sinasabing bading makaraang harangin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong Sabado ng gabi. Sa report ng pulis-Midsayap, nakilala ang napaslang na si Edward Harasan, data encoder ng St. Peter Funeral Homes at residente ng Poblacion-Uno sa nabanggit na bayan. Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa Barangay Villarica nang harangin at pagtulungan saksakin at gilitan. Tugis naman ng pulisya ang tatlo na tinangay pa ang motorsiklo ng biktima.