Mister kinatay ni misis

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng isang umbagerong mister makaraang saksakin at pag­tatagain ng kanyang misis sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Nuesa sa bayan ng Roxas, Isabela kamaka­lawa. Halos mabiyak ang bao ng ulo at nagkabutas -butas ang ka­tawan ni Larry­bell Cance­ran, 42, ha­bang sumuko naman sa pulisya ang misis na si Erlinda Can­ceran. Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, lumi­litaw na umuwing senglot ang mister kung saan mainit ang ulo at muling gi­nulpe nito ang kaniyang misis. Nang makatulog ang biktima ay inundayan ng sunud-sunod na saksak ng misis na hindi pa nakuntento ay pi­nag­ta­taga ito. Sa pulisya, ina­min ng mi­sis ang krimen dahil punung-puno na uma­no siya sa kalupitan ng kan­yang mister.

Show comments