^

Probinsiya

Maguindanao massacre suspect tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isa pang miyem­bro ng Civilian Volunteers Or­ganization (CVO) na ka­bilang sa mga wanted sa Ma­guindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao sa ope­rasyon sa Glan, Sa­ran­gani kamakalawa.

Kinilala ni Sarangani Provincial Police Office (PPO) Director Supt. Floren­ do Qui­dilla ang nasakoteng suspek na si Samsodin Daud, 25-anyos, isang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ng mga Am­patuan.

Ang maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na kinabibilangan nina dating Maguindanao Gov. Andal Am­patuan Sr., dating Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr at iba pang itinutu­rong mastermind sa massacre.

Bandang alas-5 ng ha­pon ng masakote ang suspect sa bahay nito sa Brgy. Caluya, Glan, Sarangani.

Ang suspect, ayon kay Quidilla ay may patong sa ulong P250,000.00 ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte kaugnay ng pagkakasangkot nito sa malagim na Maguin­danao massacre.

Nabatid na ang suspect ay kabilang sa mahigit 100 CVO na sangkot sa pang­ma-massacre sa mga bik­tima, 32 dito ay media­men sa Am­patuan, Maguin­danao noong Nobyembre 23, 2009.

ANDAL AM

CIVILIAN VOLUNTEERS OR

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPA

DIRECTOR SUPT

GLAN

MAGUIN

MAGUINDANAO GOV

SAMSODIN DAUD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with