34 kawani ng Hanjin sugatan

OLONGAPO CITY, Philippines — Aabot sa 34 kawani ng Hanjin ship­building facility ang iniulat na nasugatan makaraang tumagilid at mahulog sa malalim na kanal ang shuttle bus sa Argonaut Highway sa Subic Bay Freeport kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, tinangkang mag-overtake ng WPH bus (CXK 954) sa sinusundang sasakyan subalit nang may makasalubong ay kumabig sa gawing kanan at bumangga sa telephone box bago tuluyang sumadsad. Patungo sa boarding pier sa Lower Mau nang maganap ang sakuna. Nasa James L. Gordon Hospital ang mga biktima kung saan sina Ronald Parico, 29; at Michael Sison, 22 , ay mananatili sa ospital dahil sa fractured bones.

Show comments