KIDAPAWAN CITY, Philippines — Sugatan ang dalawampu’t pito katao kabilang ang walong nasa kritikal na kalagayan makaraang bumaliktad ng ilang ulit ang pampasaherong bus sa Cotabato-Maguindanao Highway sa bayan ng Montawal kamakalawa ng tanghali.
Nasa kritikal na kondisyon sa Kabacan Medical Specialist Center sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ay sina Princess Montanar, Flor Linda Ancheta, Dolores Manera, Bai Ali Guiabanal, Wilma Macagba, Liza Binoya, Leah Samillano, Taya Guiamlod.
Nasa out-patient department ng ospital naman sina Tong Gansal, Elsa Fernandez, Leonard Villarosa, Wilma Magbanua, Nasrullah Kanalasal, Sato Kambang, Reynaldo Silog, Consolacion Badilla, B Jay Tambagan, Fe Marasigan, Sarabbi Namla, Teng Zainal, Vilma Lerio, Hernani Modoc, Katrina Huertas, Teresita Catipay, Kenneth Catipay, Jonathan Canja, at si Tang Tenan. Sa ulat ni P/Insp. Romnick Lintangan, hepe ng Montawal PNP, binabagtas ng Sanrio aircon bus na pag-aari ng Peoples Transport Corporation (MVW 903), ang kahabaan ng Pagalungan-Montawal Highway sa Barangay Pagagawan nang sumemplang at nagpagulung-gulong.
Nangako naman ang may-ari ng Peoples Transport na aakuin ang mga gastusin sa ospital ng mga sugatang pasahero.
Noong Martes ng umaga, 23-katao ang inulat na nasugatan matapos mahulog ang minibus sa matarik na bangin sa bayan ng President Roxas, North Cotabato.