4-anyos, yaya todas sa bus
MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 4-anyos na babae at yaya nito makaraang masagasaan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kalsada ng Barangay Poblacion, Alubijid, Misamis Oriental kamakalawa. Nasawi sina Denise Jane Ramos habang ang yaya ay nakilala lamang sa pangalang Lilia. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng umaga nang tumawid ang mag-yaya papuntang paaralan nang mahagip ng Rural Transit of Mindanao, Inc. Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber na si Arthur Jamis. Tiniyak naman ng pamunuan ng RTMI na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa sinapit ng dalawa. Sa nakalipas na buwan, tatlong Maranao Muslim din ang nasawi matapos mahagip ng RTMI bus sa bayan ng Libertad kung saan humantong pa sa pagsunog ng ilang bus at pagpatay sa ilang driver at conductor bilang paghihiganti ng pamilya ng mga biktima.
- Latest
- Trending