^

Probinsiya

P.1-milyong pabuya vs killer ng hukom

- Ni Myds Supnad -

TAGUDIN, Ilocos Sur, Philippines  – Aabot sa P.1 milyong pa­buya ang inilaan ng muni­sipyo ng Tagudin sa sinu­mang mapagbibigay ng impormasyon laban sa pumaslang kay Judge Rey­naldo Lasacandile kama­kalawa ng madaling-araw sa bahagi ng Ba­rangay Lacong.

Sa ipinalabas ng kalatas ng konseho ng nabanggit na bayan, handang mag­bigay ng P.1 milyon sa sinumang makapagtuturo sa killer ni Judge Lasa­candile, 38, ng Vigan City Regional Trial Court Branch 20. Inatasan na ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale, ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang pagpapa­tupad ng Comelec gun ban sa mga inilatag na checkpoint sa nasabing bayan kung saan pinagbabaril ang hukom habang nag-aabang ng masasakyan patungong Vigan City.

Bumuo na ng Task Force Lasacandile sa pamumuno ni Dopale upang resolbahin ang nasabing kaso.

 “Mukhang inabangan si judge ng dalawang gunmen dahil alam nila na papasok sa trabaho, at magco-commute lang si Judge Lasa­candile,” pa­hayag ni Dopale.

Lumilitaw sa imbesti­gas­­yon na iniwan ng bik­tima ang kanyang motor­siklo sa pagawaan sa ba­yan ng Tagudin dahil nasira.

Sinasabing ilang metro lamang ang layo mula sa hiimpilan ang pulisya ang shooting incident.

DOPALE

EDUARDO DOPALE

ILOCOS SUR

JUDGE LASA

JUDGE REY

SENIOR SUPT

SHY

TAGUDIN

TASK FORCE LASACANDILE

VIGAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with