^

Probinsiya

Namugot ng call center agent tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalutas na ng pulisya ang brutal na pamumugot sa babaeng call center agent na natagpuan sa motel noong Sabado ng gabi ma­tapos masakote ang isang 30-anyos na la­laki sa isina­gawang ope­ras­yon sa gasolinahan sa Dau, Mabalacat, Pam­panga no­ong Lunes.

Sa Caltex Gasoline Station sa Dau, Mabalacat, Pampanga naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Adonis Reyes ng Fiesta Community at isa ring call center agent sa Sutherland Global Services Phils. Sa Clark­field.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Alan Purisima, lumilitaw na huling namataang buhay ang babaeng call center agent na si Katrina Gatan na ka­sama ang suspek bago mag-check-in sa Miyabe Court Hotel sa Brgy. Pu­lung Maragul, Angeles City noong Sabado ng gabi.

Noong Biyernes pa lamang ay nawawala na si Gatan matapos na makita ang dalawa na pumasok sa nasabing motel.

Positibo namang itinuro ng room boy at supervisor ng motel ang suspek ma­ging ang tricycle boy na si­nakyan ni Reyes at ng bik­tima nang magpahatid sa na­banggit na motel.

vuukle comment

ADONIS REYES

ALAN PURISIMA

ANGELES CITY

CHIEF SUPT

FIESTA COMMUNITY

KATRINA GATAN

MABALACAT

MIYABE COURT HOTEL

NOONG BIYERNES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with