3 dedo sa shootout

BATANGAS, Philippines — Tatlo-katao kabilang ang isang mangi­ngis­da at dalawang gun-for-hire ang iniulat na napatay sa naganap na karahasan sa bayan ng Agoncillo, Batangas kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector Jose Marasigan, hepe ng Agoncillo PNP ang naunang nasawi na si Restituto Mendoza, 54, ng Brgy. Pook, Agoncillo. Naba­tid na naki­kipagkwentuhan si Mendoza sa mga kapitbahay nang ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo. Bago pa makatakas ang dalawa, sumaklolo naman ang pulis na kapitbahay ni Mendoza na si PO2 Jerry Belista kung saan nakipagbarilan at napatay ang dalawa.

Show comments