4-anyos ni-rape slay ng pinsan

BATANGAS, Philippines — Kalabo­so ang binagsakan ng isang 17-anyos na lalaki ma­tapos gahasain at pa­tayin ang kanyang 4-anyos na pinsang babae sa liblib na bahagi ng Sitio Tagbakin sa Barangay Halang, Lipa City, Batangas noong Sa­bado ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. Geor­ge Dadulo, hepe ng Lipa City PNP ang bata na si Jasmin Recinto ng na­banggit na barangay.

Samantala, ililipat na­man sa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang menor-de-edad na suspek na itinago sa pangalang Ronie.

Inamin ni Ronie na niyaya niya ang biktima sa gubat ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay para maglaro.

Matapos halayin ang bata ay pinukpok pa ng bato sa ulo at ilibing sa mababaw na hukay.

Natagpuan lang ang bangkay ni Jasmine nang ituro ng kanyang kalaro kung saan siya dinala ni Ronie matapos nitong pangakuang bibigyan ng cake ang bata.

Show comments